Specialty ni Aling Cecille
Ang pagluluto, katulad ng ibang bagay ay natututuhan sa pamamagitan ng sipag at tiyaga. Dahil sa hilig talaga niya ang magluto, nakakapag-eksperimento siya ng ibat ibang klaseng putahe. "Self learning through cookbooks, TV demonstration and observation," ika nga niya. Nanirahan siya sa Amerika, ngunit hindi pagluluto ang kanyang hanapbuhay doon. Manapay nagtrabaho siya sa Army Air Force Exchange Services purchasing goods department sa isang military service group. Dahil ang buong pamilya niya ay kasama niyang naninirahan doon, natural lamang na siya ang pumapel bilang cook. "Im a full time worker, mother and a wife," natatawa niyang sabi. Mula sa taong 1960 - 62 naging cook siya sa canteen ng Philippine Repatriation Center. Sa haba ng taon ng pamamalagi niya sa US, ibat ibang lutuin ang kaniyang nai-specialized. "Tiyaga at hilig ang kailangan dito," dugtong pa niya. Napagtapos niyang mapag-aral ang kaniyang limang anak habang siyay kumakayod katulong ng kaniyang mister, at ang bunso ay patuloy pa rin nilang sinusuportahan. Balikbayan Ngayon ay retired na siya
sa kanyang serbisyo pagkatapos ng tatlumput-isang
taon. Bumalik siya Isang taon na ang kainang ito. Ang kaniyang putahe ay kagaya ng ibat ibang eating joints sa paligid. Araw-araw, iba-iba ang recipes niya para magkaroon ng variety, samantalang pare-pareho naman ang serving sa merienda. Maraming uri ng international cuisine ang alam lutuin ni Aling Cecille kagaya ng Spanish, Japanese, Vietnamese, Filipino at iba pa. Karamihan sa kaniyang menu ay pagkaing Pinoy. Nagca-cater din siya madalas. Katunayan ay tatlo na ang mga regular customer sa catering na kaniyang pingangasiwaan. Ito ay ang First Montessori, isang environmental office at isang realty office. Simple lang ang kaniyang hinahangad sa negosyo, na maging masaya at kuntento ang kaniyang mga kostumer. Habang kaya pa niya, patuloy niyang bibigyan ng halaga ang kanyang natitirang oras para lalong pagbutihin ang kanyang trabaho. Idagdag pa na nakakatulong siya sa mga walang trabaho sa pagbibigay ng trabaho sa ilang mga helpers sa eatery. Kaisipan sa negosyo Ang pagtatayo ng negosyo ay hindi isang biro. Dapat ay nakahanda ka. Mayroon kasabihang "customer is always right," subalit marami rin sa mga iyan ay umaabuso porke alam nilang kostumer sila. Marami diyan ang sumisigaw ng pautos o nambabastos . First come, first serve basis naman lagi pero hindi naman sinusunod ng iba. Ang ginagawa niya ay nakikipag-usap ng maayos at humaharap kung hindi na kaya ng kaniyang mga helper. Isa pang kasabihan na madalas niyang mapatunayan ay dont judge the book by its cover. "Minsan mayroon hindi inaasahang pangyayari, nang magbabayad na ang kostumer, pusturang pustura pa naman. Pagkatapos siyang bigyan ng mga pagkain, kulang pala ang pambayad.. Minsan naman ay isang mukhang mahirap ang tumambay at naghapunan, ngunit nakapagbayad ng maayos at kumpleto. In business you have to be patient and be aware of your customer," dagdag pa niya para sa mga gustong magnegosyo. Pagkaing espesyal Para sumarap ang pagkain, lutong natural at sariwa ang sikreto ng malinamanam na putahe. Ordinaryong pampalasa na sangkap lang ang ginagamit katulad ng asin, paminta, high quality soy sauce, at walang artipisyal na halo. Sa pritong isda, dapat ay ibinababad o minarinate muna ng asin, durog na paminta, kalamansi at toyo. Pumili ng mahusay na brand ng toyo katulad ng Kikoman at mga panimpla, para lalong malinamnam ang lutuin. Sa paggawa ng sabaw katulad ng bone marrow, spareribs at iba pa, maglagay ng kaunting luya, sibuyas, paminta, asin at toyo, at pakuluan hanggang maluto. Dahil gusto ni Aling Cecille na the best ang luto ng mga cook na OFW, ibinahagi niya ang kaniyang mga putaheng laging dinadayo, mga instruksyon at nilalaman sa pagluluto ng espesyal na "Bulalo Beef, Pinakbet at Ginisang Mongo." Importanteng tama at piling-pili ang mga ilalahok sa inyong lutuin. Hatid sa mga OFW na mag-reretire Hindi maiiwasan sa mga Pilipino na pagkatapos mag-abroad ay pa-easy-easy na lang. Kahit na sa ibang bansa ay magagamit natin ang magagandang ugali ng mga dayuhan. Nai-apply ni Aling Cecille ang pagiging active. "After you retire, you dont have to be stagnant or put yourself in a rocking chair. Enjoy life. Take care of your health and be contented with life." Nakakalungkot kung maiisip niyang wala na siyang magagawa, "gusto kong mapaikot pa ang aking naipon, make use of what I still have, and make myself useful," pagwawakas niya. |
The Season Where the Flowers Bloom
Nakakauhaw,
nakakabitak na
Baguio...the ascending journey
Rosanna Roces...Ligaya ang Magiging Nanay si Selya
Mga Karapatan ng Migranteng Manggagawa
Grupo Pilipino Group of Companies | Message Station | Previous Issue | Cover | Sentenyal | Feature Success | Entertainment | Tourism | POEA/OWWA |
Ni Aling CecilleKARE- KARENG BUNTOT NG BAKA O PATA Mga sangkap: 1 buntot ng baka o pata 1
tasang giniling na bigas Palambutin ang buntot o pata sa tubig na may kaunting asin. Kapag malambot na ang buntot, hanguin at hiwa-hiwain sa katamtamang laki. Itabi. Igisa ang bawang at sibuyas. Timplahan ng kaunting patis at ihulog ang puso ng saging (malaking piraso ang hiwa). Isahag ang tubig na pinaglagaan ng buntot. Kapag malapit na maluto ang puso ng saging, ihulog ang sitaw (tatlong pulgada ang putol). Magkasabay isama ang talong, (biniyak sa gitna at singhaba ng sitaw ang putol) at petchay (pagdalawahin ang putol ng isang tangkay, dagdagan ang sabaw at papulahin sa pamamagitan ng astuete na ibinabad sa tubig. Palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng giling na bigas at mani. Haluin hanggang ilalim sapagkat ang giniling na bigas ay maaaring manikit sa puwit ng kaldero. Sa huliy isama ang pinalambot na buntot ng baka o pata. Ang saw-sawan nitoy ginisang bagoong na alamang. |
|
| MONGONG GUISADO Mga sangkap: 1 basong mongo Ilaga nang hiwalay ang mongo sa kaserola hangang sa lumambot. Habang nakasalang ang mongo, pakuluan sa dalawang tasang tubig ang baboy sa kawali hangang sa matuyuan at lumabas ang sariling mantika. Igisa ang bawang hangang sa magkulay kayumanggi. Isunod ang sibuyas, isama na yong mongo sa paggisa at ibuhos ang pinaglagaan ng mongo. Pabayaang kumulo hangang sa maluto. Ilagay sa huli ang dahon ng ampalaya at atsin. Dapat malapot ng kaunti ang sabaw para mas malasa.
|