Mga
Karapatan ng mga Migranteng Manggagawa
Isang
kumbensyon ang isinagawa ng United Nations para
itaguyod ang pangangalaga ng mga karapatan ng mga
migranteng manggagawa na umaabot sa 125 milyon sa
buong mundo.
Ang
mga ito ay ang:
|
| Kalayaang umalis mula sa anumang
Estado at pumasok at manatili sa Estadong kanyang
pinanggalingan; |
| Karapatang mabuhay; |
| Proteksyon laban sa pagpapahirap,
malupit, di-makatao o mapanghamak na trato o
parusa; |
| Proteksyon laban sa pagkaalipin; |
| Proteksyon laban sa sapilitang
paggawa maliban sa mga pinatawan ng mabigat na
parusa; |
| Kalayaan sa pag-iisip, budhi at
relihiyon; |
| Kalayaan na maghayag at magbigay ng
opinyon. Ang karapatang ito ay maaaring supilin
sa mga pagkakataong kailangang protektahan ang
pambansang seguridad, publikong kaayusan,
publikong kalusugan o moral; pag-iwas sa
pagpapalaganap ng giyera, ng pagtataguyod ng muhi
sa bansa, lahi o relihiyon na nagdudulot ng
kaguluhan; |
| Proteksyon laban sa di-makatwirang
panghihimasok sa pribadong buhay, sa
pakikipag-ugnayan, komunikasyon; |
| Karapatan sa ari-arian; |
| Walang di-makatwirang pagkakait sa
ari-arian; |
| Karapatan sa kalayaan at seguridad
ng tao kasama na ang proteksyon laban sa
karahasan, pinsala sa katawan, pagbabanta at
pananakot mula sa opisyal ng gobryerno o sa
pribadong mamamayan, grupo o institusyon; |
| Kalayaan mula sa pananakit; |
| Karapatan sa karampatang
impormasyon; |
| Karapatan na ma-preserba ang
sariling kultura at tinubuang identidad. |
*Mula sa
Primer on the UN Convention on the Protection of the
Rights of All Migrant Workers

|
|

home

The Season Where
the Flowers Bloom

Sa Liyab ng
Isandaang Sulo

Nakakauhaw,
nakakabitak na
El Niņo

Specialty ni Aling
Cecille

Baguio...the
ascending journey

Rosanna
Roces...Ligaya ang Magiging Nanay si Selya
In-Side A

Mga Karapatan ng
Migranteng Manggagawa
Grupo
Pilipino Group of Companies | Message
Station | Previous Issue | Cover | Sentenyal | Feature Success | Entertainment | Tourism | POEA/OWWA
|