Rosanna Roces isang bukas na libro ang kanyang buhay na kahit kailan ay hindi niya ikinailamula sa pagiging GRO sa Pegasus hanggang sa pag-amin ng mga niretokeng parte ng kanyang katawan. Isa siya sa mga nagbigay kulay sa kasaysayan ng pelikulang "Comfort Women," umukit at nagbigay-buhay sa estatwang si "Machete," nagpatamis at nagpatawa sa "Patikim ng Pinya," nagpa-iyak ng maraming babae sa "Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin," naging pangahas sa "Selosa," nagbigay sa estudyante ng "Matrikula," naligaw at nagising na asawa ng silahis na prinsipal sa "Ang Mga Lalaki sa Buhay ni Selya," at umaksyon nang todot "Kahit Pader ay Gigibain." Ngunit sa lahat ng ito, tila may isang kapansin-pansin na kaibahan sa kanyang karakter. Bukod sa pagpapaseksi, binigyan niya ng lalim ang pagganap sa mga pelikulang nagkaroon ng saysay ang istorya nang kanyang binigyan ng buhay. Pero mayroon siyang role
na hindi pa kahit kailan nalalathala o naipalabas sa
pelikula at Sino si Rosanna Roces as a mother? "Very lenient ako sa dalawa kong anak, ang panganay ko, nine year old girl at sumunod ay seven year old boy, parang barkada ko lang yung mga anak ko, pero pag nagkakamali sila, pinapalo ko rin, at madisiplina ako, ayoko nang sumasagot sila sa matatanda, yung mga ginagawa ko noong araw, ayokong ginagawa din nila. Mas careful ako doon, tapos gustong-gusto ko silang pakainin dahil para sa isang nanay, ang pinakamasarap makita pag ubos yung pagkain sa plato ng mga batayung nagustuhan nila yung niluto ko." Bilang isang ina, ligaya sa kanya ang magkwento ng lahat ng nangyayaring "developments" sa kanyang mga anak, lalo na ngayong nasa adolescent age na ang mga ito, "Nag-iiba na sila, ayaw nang pahalik sa yo, hindi mo na mahalikan sa pipi, sa mga ganon, o hindi na nagpapahugas ng pwet, iba na. Ibang-iba na. Mas independent ako kaysa sa kanila noon, hindi ako umaasa sa mga katulong, pumapasok ako, ako ang namamalantsa ng uniform ko, ako ang naglalaba, ako ang nagpapaligo sa sarili ko. Maaga akong natutong kumilos para sa sarili ko. Sila, pati pagbibihis sa umaga pag papasok, talagang iniaasa lahat sa katulong. Pinapaliguan sila, ako hindi ako ganon."
Bukas na Libro Upang hindi mawala ang tinatawag na kinang sa showbiz, maraming artista ang nagtatago ng mga pertinenteng impormasyon sa kanilang buhay, mga impormasyon na hindi naman dapat itago dahil mula nang sila ay pumasok sa showbiz, dapat ay naging public property na sila. Mula sa pagiging Ana Maceda, na halaw sa Anabelle Rama at Ernesto Maceda noong inexpose ng huli ang mga Bruneiyuki, hanggang sa pagkakaroon niya ng dalawang anak na ay hindi niya ikinaila. Kahit ang kanyang nakaraan na kung tutuusin ay itatago ng karamihang artista ay kanyang inilantadnang walang patumanggi, walang pagsisisi. Anupat sa lahat ng mga naghubad sa pelikula, si Rosanna lamang ang nagbigay ng mas malalim na karakter sa ginawa niyang pagganap. Kung ang ibinansag sa kanya ay TF Queen (titilating film), iniangat naman niya ang kanyang status sa pamamagitan ng pagiging makatotohanan sa harap at sa likod ng kamera. "Mas nakakarelate sa inyo yung tao," ang nakangiting paliwanag ni Osang, "mas makikita nila 'yung sarili nila sa akin, mas nasasabi nila ang gusto nilang sabihin sa pamamagitan ko. Kasi nga alam nilang dere-deretso ako, kung gusto kong magmura, magmumura ako, pag gusto kong magtaray, magtataray ako. Pag humahagalpak naman ako ng tawa, tumatawa naman sila, so tao ka sa tingin nila, hindi artista. Hindi ka masyadong tinitingala pero ina-admire ka nila, yun sa palagay ko ang mas importante, yung hindi ka tinitingala, na parang wow, hindi ka na maabot. Mabuti na yung inaadmire ka." Simpleng Ligaya Sa lahat ng kanyang nakamit na tagumpay, hindi pa rin nawawala ang kanyang kasimplehan, lalo na sa buhay na gusto niyang mangyari sa hinaharap. Kamakailan ay idineklara niya na dalawang taon na lamang ang gugugulin niya sa showbiz. "Gusto ko kasing magbuntis, eh hindi ka naman pwedeng magbuntis pag nasa showbiz ka." At sa kanyang pagreretiro sa mundo ng showbusiness, magiging full-time mother na lang siya. "Tingnan mo kung na sa bahay na lang ako, hindi na kailangang magpa-liposuction, hindi katulad sa showbiz na kailangang seksi dapat lagi, kailangan kong mag-diet, eh ang sarap-sarap kong magluto, marami kang nade-deprive sa sarili mo kung artista ka, eh nami-miss ko." Batid din niya ang mga posibleng mangyayari sa balak niyang iyon, ngunit ito ay kaya niyang harapin nang buo ang loob, "Alam kong mahirap nang maibalik sa dati pero at least man lang, mabayaran ko yung mga pagkukulang ko sa pamilya ko, lalo na dun sa mga instances na dapat akong naroon, tulad noong maysakit yung panganay ko, nasa trabaho ako." Dream Role Kapansin-pansin na simula ng gumanap siya sa papel na Ligaya sa pelikulang "Ligaya ang Itawag mo sa Akin," nag-iba na ang image niya. Hindi na seksi star o TF Queen lamang, kundi dramatic actress na rin. Naihanay din siya sa linya ng mga de-kalibreng aktres. "Siguro nakita nila na kung pinagtiwalaan ito ni Armida Segiuon-Reyna, baka ang ibig sabihin, may talent talaga. Mula noon, nag-iba na yung status ko, nalinya na ako doon sa matataas ang talent fee, doon sa mga de-kalibreng matatawag. At saka after non, nakapagdemand na ako ng leading man ko at pag hindi ko gusto ng project, tinatanggihan ko." Ano kaya ang dream role ni Rosanna? "Yung legitimate na madre na hindi yung kamukha sa "Kahit Pader," yung talagang madre na magiging challenge sa character ko na pati yung pagsasalita ko, pagkilos ko maiiba. Palagay ko magiging challenge sa akin saka retarded, saka bulag," ang natatawa niyang pahayag. Stint sa Brunei Para sa isang dating OFW na tulad ni Rosanna, ang hirap ng mga OWFs ay hindi kaila sa kanya dahil sa kanyang dalawang beses na maikling pagtatrabaho sa Brunei. Kaya naman sa kanila ay may maikli siyang habilin, "Dapat, mag-iingat sila, s'yempre ibang tao yung mga pinapakisamahan nila doon. Dapat silang magtiyaga at magpasensiya. Kailangan mo ng mahabang pasensya lalo nat kung salbahe yung employer mo. Tyaga, patience, tsaka, yung pinakaimportante, yung sipaghanggat may trabaho ka. Kung pwede 'wag ka nang matulog, kasi ang swerte mo eh, ikaw, may trabaho yung iba, wala. Tapos, pag nagtamad-tamad ka pa, kasalanan mo na kung hindi ka umasenso. Pag may oppurtunity, grab it".
|
The Season Where the Flowers Bloom
Nakakauhaw,
nakakabitak na
Baguio...the ascending journey
Rosanna Roces...Ligaya ang Magiging Nanay si Selya
Mga Karapatan ng Migranteng Manggagawa
Grupo Pilipino Group of Companies | Message Station | Previous Issue | Cover | Sentenyal | Feature Success | Entertainment | Tourism | POEA/OWWA |