Naniniwala ka ba sa
Pamahiin |
|
|
|
Enchanted
Kingdom:
Ang Disneyland ng Pilipinas Gusto mo bang
maging batang muli? O baka naman gusto
mong makibata sa mga anak mo? Hindi pa
huli ang lahat. Kung sa palagay mo ay
hindi kaya ng bulsa mo ang magpunta ng
Disneyland, huwag iyon ang isipin mo
sapagkat hindi na kailangang pumunta pa
sa Tokyo, Japan o sa US para muli ay
malasap ang ligaya ng isang batang paslit
sa mundo ng walang katapusang laro at
pantasya dahil mayroon na ring Disneyland
ang Pilipinas. Saan ito? Walang iba kundi
sa Enchanted Kingdom.
Ayon kay
Clarence Manicad, PR Supervisor ng
Enchanted Kingdom, ang tunay na
enchantment ng park ay ang kakaibang
magic nito na nagbibigay sa lahat ng
bisita ng tsansa na maranasang muli kung
papaano maging bata. O kung may mga anak
ka na, ito rin ang panahon at paraan para
mag-enjoy kang kasama nila-ang
makibata-at iyon ang isa pang magic ng
Enchanted Kingdom.
Bisita o guest ang tawag sa
lahat ng kustomer na dumarating sa park.
At tutuo nga naman, hindi ka lang basta
nag-eenjoy pagpasok mo pa lang sa park,
matamis na ngiti pa ang sasalubong sa iyo
mula sa lahat ng staff na kung tawagin
naman nila ay cast.
Alaga
ng mga Experts
Kahit nasa
ikatlong taon na ang park,
kapansin-pansin ang hindi kumukupas na
ganda nito. Mula sa kulay ng
malaparaisong istraktura, hanggang sa
performance ng mga rides, halos walang
bakas ng edad o pagkupas. Paano ba naman
ay hindi rin basta-basta ang pangangalaga
sa
Sa
Jungle
Outpost mamamalas ang
magubat na mundo ng Amazon kung
saan naroon ang Jungle Log
Jam, isang bangkang
yari sa kahoy na naglalakbay sa
dalawang matataas na
labangan at mula doon ay babagsak
sa tubig. Isang
makapigil-hiningang karanasan ang
sumakay dito dahil sa pagbagsak
sa tubig ay para ka na ring
dumayb sa mataas na talon at
bumagsak sa tubig sa ilalim nito.
Ang kaibahan nga lang ay
nakasakay ka pa rin sa bangka. |
park. "Bago
mag-alas-diyes, ang opisyal na pagbubukas
ng park, dalawang oras na tsinitsek ng
mga staff ng maintenance department ang
lahat ng pasilidad sa park. Meron din
kaming sariling environmental custodians
na nangangalaga naman sa
paligid,"ani Clarence," Hindi
lang iyon, lahat ng pasilidad dito ay
nililinis araw-araw, bago at pagkatapos
magbukas ng park," patuloy pa niya.
Dahil sa
palaki na nang palaki ang bilang ng mga
taong nag-eenjoy sa mga themeparks,
napagpasiyahan ng Amtrust Holdings na
ngayon ay Amtrust Leisure Corporation ang
konsepto ng themepark sa Pilipinas.
| Kakaibang mundo
naman ang nasa Midway
Boardwalk. Dito
makikita ang tunay na anyo ng
Coney Island noong 1940. Dito nagkalat ang
mga clowns, jugglers, at mime
artists na nagbigay buhay noon sa
Coney Island. Narito rin
ang pinakamaraming rides sa park
tulad ng Anchors
Away, Condor Ride, at
ang pinakamalaking
ferris wheel sa
buong Pilipinas.
Mayroon din ditong bump cars,
junior roller coaster, air
balloon merry-go-round, at bump
boats. |
|
|
|

Pagpasok
pa lang, salubong grande na agad
ang bubulaga sa 'yo sa Victoria
Park kung saan naroon ang Grand
Carousel, ang
pinakamaganda at pinakamalaking
karusel sa buong Pilipinas. Naroon
din ang mga cast members na
nakabihis ng mga kasuotang
istilong pang Victorian
age (1837-1901).
Sa
Boulderville naman,
mamalas ang mundo ng stone age
kung saan naroon ang mga
prehistoric cartoon characters na
siguradong magpapaligaya sa mga
bata at batang isip. Narito rin
ang iba't-ibang klase ng rides na
at mga laruang pambata na inukit
sa bato. Mayroon ding mga stone
age dancers para aliwin hindi
lang mga bata kundi lahat ng mga
tumatapak sa area na iyon.
|
Kinuha ng kumpanyan ang
serbisyo ng Landmark
Entertainment Group, ang
pinakamalaking kumpanya na espesyalista
sa pagde-design ng mga leisure parks sa
buong mundo para mag-design ng Enchanted
Kingdom. Isang taon pinag-aralan ng grupo
ang disenyo ng park upang siguraduhin ang
lubos na kasiyahang maidudulot nito sa
sinumang bisitang papasok dito, bukod pa
sa kasiguruhan ng kanilang kaligtasan.
Ang lahat
ng themeparks sa buong mundo, ayon kay
Clarence, ay talagang malayo sa lunsod.
Ito ay upang masunod ang layunin nito na
madala ang mga bisita sa kakaibang mundo
ng saya--malayo sa ingay at usok ng
syudad, kaya't ito ay itinayo sa Sta.
Rosa, Laguna, upang ang hanging
malalanghap ay sariwa, bukod pa sa
pagiging malapit nito sa matulaing Mt.
Makiling. Ngunit hindi naman ito sobrang
malayo o malapit sa Maynila.
Ano ang
ginagamit nilang marketing strategy?
"Dahil sa ito ang unang themepark sa
bansa, ang hinaharap naming hamon ay ang
ipaalam sa mga tao ang tungkol sa
Enchanted Kingdom. Kahit marami nang
nakakarating dito, mayroon pa ring mga
Pilipinong hindi pamilyar na may ganito
nang themepark sa Pilipinas"
Bisitang
pang Lahat
Ano nga ba
ang kaibahan mo sa mga prominenteng anak
ng mga pulitiko, mga aktor at aktres, sa
dito at sa ibang bansa kapag ika'y nasa
Enchanted Kingdom? Wala. Mula sa anak ng
presidente, hanggang sa mga artista at
basketbolista,kapag bumisita sa park ay
nag-eenjoy hindi lamang sa rides at
attractions kundi lalong-lalo na sa
treatment na ibinibigay sa kanila.
Nirerespeto dito ang kanilang privacy at
nag-eenjoy silang katulad ng ibang
bisita. Madalas pumunta dito si Dayanara
Torress tuwing may bisita siyang galing
sa Puerto Rico. Nag-enjoy naman bilang
pamilya sina Martin and Pops Nievera at
ang kanilang mga anak. Kamakailan lamang
ay bumisita doon si Claire Danes, ang
teen-age female lead ng Hollywood hit na
Romeo and Juliet.
Kahit sino
ka man, bata, matanda, dalaga, o binata,
walang sinisino ang ligayang
ipinagkakaloob ng magic na matatagpuan sa
Enchanted Kingdom. Ito marahil ang
dahilan kung bakit parang pantay-pantay
ang pakiramdam mo sa lahat ng mga bisita
at cast sa park.
NEXT
|