Ano ang mga
Paglilingkod ng
Filipinos
Resource Centers?
Tugon
para sa pangangailangan ng mga
Filipino nagtatrabaho sa ibang
bansa ang layunin sa pagtatatag
ng mga Filipino Resource Centers.
Ang mga sentrong ito ay bukas ng 24 oras
anumang araw, kahit Linggo o
holidays upang
magbigay ng mga sumusunod na
serbisyo sa mga mandarayuhang
manggagawa patungo sa ibang
bansa:
| Pagpapayo at
legal na serbisyo |
| Welfare
assistance gaya ng
pagkuha ng serbisyong
medical at
hospitalization; |
| Impormasyon
at advisory programs para
itaguyod ang
pakikisalamuha sa
naiibang lipunan sa
pamamagitan ng
oryentasyon pagdating,
pag-aayos sa bagong at
pakikipag-ugnayan sa
komunidad. |
| Pagpapa-rehistro
ng mga undocumented
workers para masaklaw
sila ng Migrant Workers
and Overseas Filipinos
Act; |
| Pagsasakatuparan
ng Volunteer Membership
Program ng OWWA; |
| Human
resource development,
gaya ng pagsasanay at ang
pagtataas ng uri ng
kasanayan; |
| Gender-sensitive
na mga programa para
matugunan ang mga
particular na
pangangailangan ng mga
mandarayuhang manggagawa; |
| Oryentasyon
para sa mga balik
manggagawa at iba pa; |
| Pag-monitor
ng mga gawain at
pangyayari na
kinasasangkutan o
nakakaapekto sa mga
mandarayuhang manggagawa; |
| Paniniguro
na sinusunod ng mga host
country ang labor at
social welfare laws para
sa mga mandarayuhang
manggagawa; |
| Pagkasunduin
ang away sa pagitan ng
employer at empleyado. |
Ang bawat Filipino
Resource Center ay may apat o
higit pang tauhan na binubuo ng
Labor Attache mula sa DOLE,
Foreign Sevice personnel mula sa
DFA, a Welfare Officer at Center
Coordinator ng OWWA at isang
Interpreter kung kinakailangan.
At kung ang mga problemang
hinahawakan ng mga tauhan ng
sentro ay higit pa sa kaya nilang
hawakan, maaaring kumuha sila ng
abogado at social worker.
|