 Patapos ng
Graduation
WANTED:Doing
things well.
REWARDS:Plenty.
|
|
|
|
JEEP
ni ERAP:
Biyaheng Demokrasya-Ekonomiya (ng Tao) Sinong Pilipino
kaya ang hindi nakaalam, nakasakay o
nakakita man lamang ng jeepney? Ang
pangunahing sasakyan nating mga Pilipino
na ipinanganak mula sa pagiging mahusay
at malikhain ng mga naunang henerasyon.
Tinatawag itong 'hari ng lansangan' at
tunay na sumasalamin sa malalim na
kulturang Pinoy. Ang kanyang disenyo ay
makulay at puno ng buhay, may ibig
sabihin, may ibig ipakahulugan,
nagpapahayag, nagpapahiwatig,
nagpapakilala at higit sa lahat ay
kumakatawan sa diwa at isipang Pilipino
na patuloy nating ibinubuhay. Ang JEEP
din ang sasakyang nais ni Vice President
Joseph "Erap" Ejercito Estrada
na magdala sa bawat Pilipino patungo sa
inaasam na pambansang pag-unlad,
kapayapaan, katarungan at pagkakaisa. Ang
JEEP ay kumakatawan sa Juctice Equality
Economy Progress.
Mula sa Pagbabalik
ng Demokrasya...
Sa
nakaraaang dekada na pinaglakbayan ng
ating bansa, nasaksihan natin ang
kakaibang transpormasyon nito mula sa
diktadurang rehimeng US-Marcos na
napatalsik ng pamoso at makasaysayang
People Power sa EDSA, tungo sa isang
demokratikong gobyerno. EDSA Revolution,
isang uri ng mapayapang paraan ng
rebolusyon na sa halip na gumamit na
dahas ng armalite, tangke, kanyon o
anupamang mapamuksang gamit ng mga
militar ay nagbuklod sa halos lahat ng
mga Pilipino na magkaisa tungo sa iisang
layunin na maghahatid palapit sa
pambansang pagpapanibago. Akbay-akbay,
sama-sama, tulong-tulong na ipinamalas ng
halos lahat ng sektor ng lipunan: obrero,
maralitang taga-lunsod, kapitalista,
militar, madre, pare, mediaman at ng mga
pangunahing namiminuno sa pamahalaan ang
lakas ng pagkakaisa. Ipinamalas nito sa
mundong tumutunghay sa bawat pintig ng
pangyayari, na ang pagbabago ay maaaring
makamit sa pamamagitan ng mapayapang
rebolusyon, na walang dugong dadanak at
hindi mangangailangan ng dahas.
Itinalagang
Pangulo ng Pilipinas ng nasabing
rebolusyon si Corazon C. Aquino, na
lalong kilala bilang Cory, ang maybahay
ng napaslang na dating Senador Benigno
"Ninoy" Aquino. At hayagang
sinasabi ng ilan na ang bahaging yaon ng
kasaysayan ang nagpanumbalik sa tinatawag
na tunay na demokrasya, o kalayaaan sa
bansa. Ito ay ang kalayaan sa pagsasalita
(freedom of speech) at pagpapahayag
(freedom of the press) na hindi tinamasa
sa nakaraang administrasyon sapagkat
mahigpit na sinisikil, sa layuning iligaw
o lasunin ang kaisipan ng mga mamamayan
hingggil sa tunay na isyung kinakaharap
ng bansa. Si dating Pangulong Corazon
Aquino ay nagsilbi sa bansa mula noong
Feb.1986- June 1992.
At Pagpapanibagong
Sigla ng Ekonomiya...
Bago
mawala sa puwesto si Cory, sinigurado
niya muna na ang papalit sa kanya bilang
pangulo ng bansa ay mula sa kanyang
sariling rekomendasyon. Kaya naman pinili
niya si dating Defense Secretary Fidel V.
Ramos, na malaki ang naging papel sa
kanyang administrasyon. Naguna siya sa
pagpigil ng ilang pagtatangka ng mga
leftist-separatist military group upang
ibagsak ang kanyang pamahalaan sa
pamamagitan ng madugong kudeta
(coup-de-etat), upang maging opisyal na
kandidato ng administrasyon sa halalang
pampanguluhan noong May 1992. Gaya ng
inaasahan, nagwagi si Fidel V. Ramos
bagaman ito ay pinagpasiyahan lamang ng
kakaunti o minority votes.
Sa ilalim
ng gobyernong Ramos, pinagbuti niya ang
pakikipag-ugnayang panlabas, at walang
sawang itinaguyod ang pandaigdigang
kalakalan sa pamamagitan ng walang humpay
na paglalakbay sa halos lahat ng panig ng
daigdig upang makuha ang tinatawag ng
investor's confidence at ipaalam sa
kanila na ang Pilipinas ay handang
makipagkalakalan, at sa kanyang sariling
pananalita ay sinasabing "back to
business in the heart of Asia".
Pinasigla nito ang ekonomoiya ng bansa at
nagbalik ng tiwala sa mga dayuhang
mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa
Pilipinas, na mangangahulugan naman ng
opurtunidad sa empleyo, buwis,
inprastraktura at iba pang kaugnay nito
para sa mga Pilipino.
Sa
madaling salita ay itinaguyod at
isinulong ng kanyang administrasyon ang
tatlong pangunahing layunin patungo sa
diumano'y kaunlaran ng bansa:
globalisasyon, pribatisasyon,
deregulasyon. Bagaman at ang direktang
epekto ng kanyang mga programa ay patuloy
na pinagdedebatihan ng mga ekonomista,
business sector, consumers at iba't-ibang
awtoridad ukol dito. Opisyal na
magtatapos ang termino ni FVR sa darating
na June, 1998
TUNGO SA PAG-UNLAD
NG MASA...
Sa ngayon
ay nahaharap na naman ang bansa sa
halalang pampanguluhan. At gaya ng
inaasahan, marami ang nagpalista ng
kandidatura sa Commission on Election
(COMELEC). Bagaman marami ang naghahangad
ng pinakamataas ng posisyon sa bansa,
iilan lamang sa kanila ang tunay na
kuwalipikado, may matatag at malawak na
partidong mapanghahawakan, at higit sa
lahat ay may sapat na kakahayan at
karanasan upang mamuno sa mahigpit 70
milyong Pilipino patungo sa susunod na
siglo. Sa lahat ng katangiang ito ay may
isang taong kumakatawan, at ito'y walang
iba kundi ang kasalukuyang Pangalawang
Pangulo Joseph "Erap" Estrada.
Sino nga
ba ang hindi nakakakilala kay Erap? Mula
sa kanyang maraming taon bilang
pangunahing aktor sa pinilakang tabing,
sa pagiging aktibo sa maraming
socio-civic organizations, sa mahabang
taon ng paninilbihan bilang mayor ng San
Juan, Metro Manila, sa isang termino sa
Mataas na Kapulungan (Senado) at hanggang
sa pagiging Bise-Presidente ng Pilipinas,
siya ay sinuportahan at inuluklok ng
taumbayan na kanyang pinaglilingkuran.
Pinagtiwalaan siya sa hindi kakaunting
pagkakataon upang mamuno sa ilang
maseselang gampanin ng gobyerno na
nangangailangan ng matalinong pag-iisip,
mabilis na aksiyon at malawak na
karanasan.
Si Joseph
"Erap" Estrada, isang subok at
maasahang opisyal ng pamahalaan, na ang
puso ay nabibilang sa mas nakararaming
mahihirap, ay nagpasyang tumakbo bilang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa
ilalim ng partidong Laban ng Makabayang
Masang Pilipino (LAMMP)
NEXT
|