
SentenyalBundok
Samat,
Death March at
ang Araw ng Kagitingan
|
|
|
|
Pagkatapos
mag-abroad, paano na?
Dati-rati,
bago ka maging OFW, kailangan mo munang
kumuha ng sapat na training at pag-aaral
sa pinakabagong teknolohiya at teoryang
nasa Pilipinas para naman kahit paano ay
hindi ka mahuli pagdating mo sa abroad.
Ngayon ay iniba na ng GP dahil maraming
empleyado rito ay dating OFW na ginagamit
ang kanilang skills na nakuha sa ibang
bansa sa mga makabagong teknolohiya ng
GP.
Hamon
kay Luis
Dating
computer technician sa Saudi Arabian
Vulcan Limited si Luis Patelo. Sa tatlong
taon niya doon ay isang beses lamang siya
nakauwi. "Doon, kahit triple ang
laki ng sweldo kaysa dito, mas malaki
naman ang responsibility ko."
Nang
bumalik siya sa Pilipinas ay naging
computer technician siya sa United
Coconut Planters' Bank (UCPB). Nang
mag-asawa siya ay nag-abroad siyang muli
para mabigyan ng mas magandang bukas ang
pamilyang sisimulan. Muli ay nagtrabaho
siya ng tatlong taon sa Saudi.
Dahil
nakapagpagawa na siya ng bahay, at may
naipon nang kaunti noong matapos ang
kontrata niya, nag-invest silang
mag-asawa sa milling ng palay sa Bacolod.
"Pero dahil seasonal ang palay,
naisip ko pa rin na magtrabaho tutal bata
pa naman ako. Taong 1995, kasama ko ang
anak ko na mag-aaral sa Maynila nang
magkaroon ng hiring sa GP. Isang araw
lang akong nag-apply, kinabukasan,
nag-start na ako."
Ngayon ay
tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa
GP. Ano na ang nangyari sa loob ng mga
taong iyon? "Marami akong nararating
dito. Lumalawak ang knowledge ko. Five
times na akong na-assign sa Singapore
para sa training. Ang systems ng mga
international offices natin kami din ang
nag-ayos. Challenge ang gusto ko, na
nandito. At ang GP hindi nahuhuli in
terms of technology."
Lamang
ang OFW
Tatlong
taong nagtrabaho si Edwin Ramos, isang
electrical engineer bilang fire
protection engineer at field supervisor
sa Libya. Ayon sa kanya,
"Macha-challenge ka doon sa mga
taong mami-meet mo, iba't-ibang lahi.
Yung employer ko ay Irish, so
paenglish-english ka, may mga British
din. Ang mahirap pag nasa abroad, 'yung
homesickness. Kasi noong pagkakasal namin
ni misis, after three days, umalis na
ako."
Nang siya
ay umuwi ng Pilipinas at natanggap sa GP,
malaking tiwala ang sa kanya'y ibinigay,
"Yung trust na ibinibigay sa akin as
Product Engineer, lahat kami dito may
kanya-kanyang designations, may
kanya-kanyang produkto. Bukod doon
nakakalabas kami sa project at malaki ang
tiwala sa amin ng GP."
Sa ngayon
ay siya na ang nangangasiwa ng applicants
sa Technical Department ng GP, at ayon sa
kanya, "Malaking advantage din yung
dating OFW ka, mas maganda ang trabahong
magagawa mo lalo na kung naranasan mo
'yung hirap sa abroad. Sa gayon, anuman
ang trabaho dito, hindi na gaanong
mahirap para sa kanila."
Small
But Terrible
Pinaka-exciting
naman ang naging experience ni Lito Co,
isa sa mga technicians ng GP.
Labing-isang taong siyang namalagi sa
Middle East. Tatlong taon sa Kuwait
bilang instrument technician sa
refineries at power plant, walong taon sa
construction installation sa Saudi, kung
saan naipit siya ng giyera noong
matatapos na ang kanyang kontrata.
"Noong
Gulf war, na-hold kami sa Saudi,"
pagkukwento ni Lito, "nagkaroon ng
konting tension. Ang naging target ng
Iraquis ay Riyadh dahil naroon ang
American forces. Tuwing gabi, nagkakaroon
ng bombings ng scud. Noong first week,
talagang nakakatakot, pero noong sumunod
nang mga araw, naging routinary na rin
yung may darating na scud missile,
nasanay na rin kami. Every night, mostly
between ten to eleven, may dumarating na
scud missile. Ten minutes bago naman
dumating yon, nag-aalarm na, prepared na
kami, take your gas mask, get into a safe
position, kailangan, aalis kayo sa itaas,
kasi syempre, sa itaas unang sumasabog
ang missile. Wala namang harm na nangyari
sa amin. Nakatapos ako ng contract kasi
nung magkagiyera, nasa middle na ako ng
aking contract."
Advantages
sa trabaho? "Hindi ako gaanong
nahihirapan kasi techical ang nature ng
trabaho at talagang experienced na ako.
Pero nag-aadjust pa ako sa
condition." Kung sa giyera nga
nakapag-adjust si Lito, inaasahan niya na
lalong kaya niyang mag-adjust sa GP.
Technology
Transfer
Pag
magtatrabaho ka abroad, try to get the
technology, para pag uwi mo, you can use
it for the benefit of our country. Ganon
ang ginawa ni Allan Tejada, dating
service engineer ng isang trading firm sa
Korea, kung saan nakapagrabaho siya ng
tatlong taon. Ngayon ay isa na siyang
Automation Engineer sa BMS o Building
Maintenance Systems. "Kinuha ko
talaga ang technology ng iba't-ibang BMS
systems so that one day, 'pag may
research and development team na ang GP,
we can develop our own system. Its almost
the same sa qualifications ko."
Sa dati
niyang trabaho sa Korea, "Medyo
dangerous. I worked inside tunnels, mga
power plants, usually sensors sa
hazardous areas." Taong 1997 nang
umuwi siya ng Pilipinas at nang nakita
ang ads ng GP, nag-apply siya kaagad.
"Nakita ko kasi yung Delta. Supposed
to be iyon ang BMS namin sa Korea. The
system is the same, software lang ang
naiba."
Advantage
sa kanya ang nasa Pilipinas, ayon kay
Allan, "Hindi ka na maho-home sick.
Hindi katulad doon na you have to learn
the language at careful dahil yung mga
nami-meet mo, mga presidents, mga
managers ng companies during meetings.
Kailangan alamin mo ang culture nila.
Samantalang dito, okey lang."
Pag-aaral
pa rin
Para kay
Eugene Hipe, Civil Automation Engineer sa
GP, ang buhay ay walang katapusang
pag-aaral. Katunayan dito ay dalawang
degree course ang natapos niya, at
tatlong non-degree courses. Isang dating
OFW mahilig mag-aral. Para sa kanya,
maraming advantages sa GP kaysa Taiwan
dahil, "Unang-una, nandito ako sa
sariling bayan. Kausap mo ng maigi ang
mga tao, although noon, marunong akong
mag-Chinese, at Japanese. Mahilig akong
mag-aral. Dalawa ang nag-offer sa akin
noon, ito at isa sa Alabang, pinili ko
ito, dahil puro automation ang trabaho.
Money is secondary lang dahil gusto kong
mag-aral ng BMS."
At para sa
mga OFW, siya'y may munting payo
"Sana maging matiyaga sa trabaho,
kahit tapos ng college, 'wag titigil ng
pag-aaral, at magkaroon ng positive
outlook in life."
Oportunidad
sa Sariling Bayan
Dalawang
buwan na bilang Electronics Technician sa
GP si Marcelino Poblador Jr. Tatlong taon
siya sa Kuwait bilang industrial
electrician at limang taon sa Singapore
bilang senior technician at na-promote na
Laboratory Engineer, at ng huli ay Senior
QA Engineer. Noong nakapagpundar na siya
ng investments, dalawang taon siyang
nagbakasyon sa piling ng pamilya na
matagal niyang na-miss. "Noong
December 1997, nafi-feel na nating yung
financial crisis, kaya nagdecide akong
magtrabaho ulit." At doon niya
nakita ang ads ng GP.
Ang mga
advantages kung nandito siya sa
Pilipinas, "Una kapiling ko ang
family ko na nasa Tala, Caloocan. Ang
main purpose ko is to be with my family.
Kasi nung nasa infant stage yung mga anak
ko, hindi ko sila kasama. I'm here to
cope up with the lost years. I'm happy
that I'm employed to GP at the same time
be with my family. I believe that GP
promises opportunities for new comers
like us. Especially in terms of the
knowledge that we're gaining with each
new products. Since I am connected with
automation and security, I can gain more
knowledge and experience that I lack as
of now."
Natuto
si Tita Babes
Fifteen
months siya sa Singapore at 33 months sa
Taiwan. Ang naging employer ay puro
expat. Tourist ng umaalis dito, pagdating
doon ay nagkakaroon ng work permit. Iyan
ang bahagi ng kwento ni Maria Luisa Collo
a.k.a Tita Babes, na ngayon ay Prudential
Recruitment Officer ng GP.
"Nagtrabaho
din ako ng part-time sa GP Taiwan noong
1994-95. Minsan two days, three days,
lahat ng transaction, ginagawa ko, cargo,
remittance, sari-sari store." Dahil
sa kagustuhan ng kanyang asawa, umuwi
siya ng Pilipinas. Dahil nga nasimulan na
niya ang magtrabaho sa GP Taiwan, kaya
kaagad siyang natanggap ng nag-apply sa
GP. "Ang laking tulong sa akin ng GP
dahil marami akong natutunan. Noon nga,
mag-type lang, hindi ako marunong. Ngayon
updated na ako sa computer technology.
Bagong
Kaalaman
Si Julius
Duplito naman ay sampung taon sa isang
automotive company sa Middle East bago
siya naging electrician sa GP. Ayon sa
kanya, umuuwi naman siya sa pamilya niya
every year. Sa Riyadh siya unang
nagtrabaho at ang sumunod naman ay sa
Al-Kobar. Naabutan pa niya ang gulf war
noong 1990, kaya naman noong 1991,
nag-exit na siya pero bumalik noong taon
ding iyon at tumagal hanggang 1997
Ayon kay
Mang Julius noong umuwi siya, nakita niya
sa ad ang GP na nangangailangan ng
technician/electrician. Sinubukan niyang
mag-electronics dahil connected naman
iyon sa dati kong trabaho. Ang official
designation niya ay technician, pero ang
trabaho niya ngayon ay plumber.
"Iyon ang hindi ko dati alam sa
Saudi na natutunan ko sa GP. Ang mahalaga
naman ay naririto ako sa sariling bayan,
kaya nagsasacrifice na rin ako basta
makasama ko ang pamilya ko. Maganda rin
naman dito kaya lang dahil nasa Pilipinas
ka, dapat handa kang tumanggap ng maliit
na sweldo," at aniya'y may natutunan
din siya hindi lang sa electronics, pati
na rin sa ibang bagay na hindi niya alam
noon-plumbing.
Konklusyon
Iba-iba
ang kasaysayan nila, iba-iba ang
pinagmulang bansa, ang trabahong ginawa,
mga taong nakasalamuha at antas ng
kaalaman. Magkagayunman, mayroon silang
malaking pagkakahawig sa isa't-isat,
lahat sila'y kapupulutan natin ng aral
ayon sa kasaysayan nila na ating
isiniwalat.
Na dapat
tayong mag-ipon para sa ating sariling
kabuhayan, na hindi natin dapat sayangin
ang pagkakataong dumaraan sa ating buhay,
na kuhanin natin ang anumang teknolohiya
na ating matututunan sa ibang banasa at
gamitin para sa pagsulong ng sariling
bansa, na maging matiyaga sa paggawa, na
huwag titigil sa pag-aaral, at huwag
isasara ang ating pintuan para sa anumang
bagay na maaaring makapagdagdag sa atin
ng kaalaman.
Malaking
oportunidad, hamon sa kakahayan,
pagsasalin ng teknolohiya at sari-saring
kaalamang technical at clerical,ito ang
handog ng mga dating OFWs sa GP Group of
Companies, at sa bansang Pilipinas, higit
sa lahat.

|