Sinasabing isa sa mga "bagong sibol na lider," si Gob. Hermilando Mandanas ng Batangas na kasalukuyang Tagapangulo ng RDC-IV ay isa sa mga nagdala ng konkretong pagbabago sa Lalawigan ng Batangas. Unang naging Chairman ng RDC noong 1995, si Gob. Mandanas ay nasa kanyang ikalawang termino na ng panunungkulan bilang RDC Chairman ng Ikaapat na Rehiyon at bilang FRDC (Federation of RDCs) Chairman ng buong bansa. Si Mandanas din ang nagsimula ng panibagong sigla sa larangan ng kalakalan at komersyo ng Rehiyon sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng napapanahong mga imprastraktura at pagawaing bayan sa mga piling lugar sa Batangas.
Simula ng kanyang termino hanggang sa ngayon ay bumibilang na sa 11
na industrial park at ecozone, bukod sa iba pang malalaking
kompanya, ang nangapital at nakapagpasok ng may P53.1b
na investment sa Batangas. Karamihan sa mga mamumuhunang ito ay mga banyagang
korporasyon na nagkainteres magnegosyo dahil sa mahusay na relasyon at
nakakaengganyong mga insentibong ibinibigay ng Pamahalaan, bukod pa sa
pagkakaroon ng mahahalagang pasilidad sa maraming lugar ng Lalawigan. Kasama
sa iniangat ng Batangas ay ang kakayahan nitong sagutin ang maraming pangangailangang
panlipunan tulad ng probisyon ng trabaho at hanapbuhay sa kanyang mamamayan.
Katapat ng pagsulong ng Batangas ay ang mga natural nitong yaman -- una,
ang kanyang istratehikong lokasyon (strategic location) sanhi ng kalapitan
nito sa Kalakhang Maynila, na itinuturing na sentro ng komersyo ng bansa,
at sa mga lalawigang maaaring maging kapalitang negosyo at kalakal. Ikalawa,
ang natural na salik ng yamang tao -- ang 57.2% ng 1.7m Batangueño,
mahigit sa 70,000, may 96.5% literacy rate.
Hindi maitatanggi na malaki ang tulong ng mga establisyementong industriyal sa lokal na kapakanan -- nagdadala at nagbibigay sila ng oportunidad sa trabaho, naghahatid ng kaalamang teknikal bukod sa nakakatulong sa pagdaragdag sa pasilidad na kailangan ng Pamahalaan at mamamayan. Sa kasalukuyan ay may 11 na tulad nito sa Lalawigan:
Iba't-ibang mga prominenteng locator at kompanya ang katuwang ng mga nabangit sa itaas: Lima City Hotel, Rex Technology Philippines Inc., SMI-ED Philippines Technology Inc., Epson Phils, Fujitsu Computer products, Sumisola, Philippine Logistic Service, Philippine Electric, Philippine Technology, Integrated Microelectronics, SB Flex Philippines, Air Liquide Phils, Batangas Cogon, Asia Coal Corpn, Bacnotan Steel Industry, Shell Eastern Gas Phils, Pilipinas Shell Refinery, Batangas Power Corpn, General Milling Corpn, Pacific Flour Mills, Chemphil Bulk Terminal, Himmel Industries, Elite Manufacturing, Steelcorp, Puyat Steel, Hitachi-Cable Phils, at ang Kepco Batangas na may balak mag operate ng kanilang planta ng kuryente kasama ang NPC sa pamamagitan ng BOT scheme dito sa Lalawigan.
Karamihan sa mga kompanyang nasa itaas ay gumagawa ng key part, spare part ng mga computer, at appliance. Responsableng pangangalakal katuwang ng kanilang mga makabagong planta, pamamaraan, at kagamitan ang dalang katangian ng mga kompnyang ito, tulad ng wastong pangangasiwa at pagtatapon ng basura (proper waste management and disposal) para sa napapanahong pag-iingat ng tao at kalikasan.
Hindi lamang Batangas ang nakakaranas ng bagong sigla sa kanilang ekonomiya at kalagayang industriyal, kundi maging sa mga lalawigang kasama nito sa Rehiyon, partikular ang bumubuo ng Calabarzon subregion (Cavite, Aurora, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon). Ang mga establisyementong industriyal na ito ay inaasahang makakalikha at makakapagbigay ng may 200,000 hanggang 250,000 bilang ng trabaho para sa kapakinabangan ng mga mamamayang taga-Calabarzon sa pangmatagalang panahon. Ayon sa rekord, ang antas ng trabaho sa Rehiyon ay tumaas mula 94,000 noong 1992 sa 249,558 nitong 1997, nguni't bumaba ng may -2.16% sanhi ng krisis sa Asya na siyang ginagawang batayan ng mga kapitalista sa maaaring ikalakas at ikahina ng kanilang negosyo.
Batay sa naitalang istatiska noong mga nakaraang taon, malaki ang naiiangat ng Lalawigan sa investment at komersyo:
Makatwiran lamang na pag-ibayuhin ng Pamahalaang Panlalawigan at ng mga namumuno rito ang relasyong pangkalakalan sa mga nagnanais mag-negosyo, Pilipino at multinational corporation (MNC), sapagka't hindi lamang ang aspetong pinansyal ang dapat bigyang pansin kundi maging ang uri ng pakikisama at pakikipag-kapwa sa isang samahan na parehong nakikinabang ang bawat panig. Likas sa ating mga Batangueño ang kasipagan, kahusayan sa trabaho, at pakikisama. Sapat na ang mga ugaling ito upang magsilbing matibay na puhunan sa anumang trabaho, lalo at hindi maiiwasan na pansamantalang umasa sa tulong ng iba.
Bukod sa gawaing panrehiyon, aktibo rin si Gob. Hermilando Mandanas sa programang pang kalusugan, kooperatiba, pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan, pagawaing bayan at imprastraktura, edukasyon, at agrikultura. Hindi maikakaila na nagagawa ni Gob. Mandanas at ng kanyang mga kasamaahang namumuno na maglingkod sa pinaka-abot ng kanilang makakaya, partikular sa implementasyon ng kani-kanilang mga programa at proyekto.
KALUSUGAN. Sinabi ni Mandanas na nais niyang pag-ibayuhin pa
ang serbisyong pangkalusugan, kaya naman puspusan ang implementasyon, pagsunod,
at pagtugon sa iba't ibang programa at proyekto ng Department of Health
para sa kapakinabangan ng marami -- Araw ng Bit. A, deworming, Goodbye
Kiti-kiti, Goodbye Dengue, Tepok Lamok, Dengue Sapok Program 4 o'clock
habit. Tuloy-tuloy rin ang vaccination and immunization program ng Provincial
Health Office -- anti-polio, DPT, anti-cholera, kontra-tigdas -- bilang
matibay na pagsuprota sa kalusugang pambata, kasama na ang feeding program
laban sa malnutrisyon na isinasagawa ng PACD/Pho. Samantala, nagkaroon
ng karagdagang medical equipment, aparato, at gamot ang Panlalawigang Pagamutan
bunga ng donasyon ng ilang samahan -- PVLC, Lions Intl, at PNRC. May nagkusa
ring magkaloob ng pera tulad ng P25m mula sa Chito Madrigal
Foundation para sa pagpapatayo ng additional building sa Calatagan at community
hospital sa San Pascual at karagdagang kagamitang pang-ospital gaya ng
hospital bed at iba pa. Pinagunahan ni Gob. Mandanas ang pinakahuling kampanya
sa kalusugan ng Pho, ang " 'Sang Milyong Sepilyo," kasama ang mga health
officer ng Lalawigan.
KOOPERATIBA. Simula ng ipakilalang muli sa mamamayang Batangueño
at palakasin ng Administrasyong Mandanas ang diwa ng kooperatiba, iniulat
na umaabot sa halagang P2,570,000 ang nailabas na loan
assistance ng Provincial Cooperatives Development Office (PCDO) sa
paraang tulong puhunan sa mga mamamayan simula 1996, bukod pa sa pagpapa-iwi
ng mga alagaing hayop tulad ng biik at baka sa mga piling samahan, kung
saan kasama nila ang Office of the Provincial Veterinarian sa pangangasiwa.
Abala ang PCDO sa pagtuturo at pagtulong sa mga multi purpose cooperative
(MPC) sa mga bayan ng Batangas. Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap ang tanggapan
sa ilang junkshop owner para sa isang environment cum cooperative endeavor.
KALIKASAN. Naging isang Taggapan sa pamamamagitan ng Resolution 292, taon 1995, na inaprubahan at ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa inisyatibo ni Gob. Hermilando Mandanas, ang Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG Enro) ang Panlalawigang tanggapan na responsable sa mga usaping pangkalikasan. Kasama rito ang ilang konsernadong grupo, lokal at internasyonal, sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga pro-environment policy sa Lalawigan. Isa sa mga hakbangin na patuloy pang pinag-uusapan ng Gobernador, PG Enro, at mga banyagang eksperto rito ay ang planong pagpapatayo ng integrated landfill facility para sa Lalawigan. Ito ay isang paraan na rin tungo sa ikalulutas ng problema sa basura at malaking kakulangan sa adhikaing pangkalusugan. Ginawaran si Gob. Mandanas ng Environmental Champion Award ng Global Environmental Facilities/United Nations Development Program/Interntional Marine Organization (Gef/UNDP/Imo) Regional Program dahil sa kanyang matatag na paninindigan para sa kaligtasan ng kapaligiran at yamang tubig ng Batangas. Kamakailan lamang ay lumagda si Mandanas sa isang kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang lokal at ng Water Systems New Zealand Ltd ukol sa pagpapatayo ng pasilidad ng basura at wastong pagpapaanyo nito.
EDUKASYON. Kasalukuyang nasa 1,606 estudyante na ang nakikinabang
bilang mapapalad na Provincial scholar ng Provincial School Board, simula
nang ito ay matatag noong 1996 at pinaglaanan ng PAGAWAING BAYAN. Naipatupad ang maraming pagawaing bayan ng Administrasyong
Mandanas, partikular ng Panlalawigang Tanggapan ng Inhenyero, na inaasahang
makakatulong nang malaki sa larangan ng transportasyon at kaugnay na komersyo
sa kanayunan.
Isa rito ang konstruksyon ng mga "Mabey bridge" na natapos ang implementasyon
dahil sa tulong pananalapi (financial aid) ng pamahalaang nasyunal na idinaan
sa RDC. Malaki ang naitulong ng pagiging Panrehiyon at Pambansang pinuno
ni Gob. Mandanas sa pagpapatuloy ng mga proyektong nagkaproblema sa pondo.
Ang tapos na sa Mabey bridge:
Tapos na rin ang konkretong konstruksyon ng Lucsuhin Bridge sa Ibaan,
Ang pinakahuling kaganapan sa usapin ng mga pagawaing proyekto na kaugnay
ang Pamahalaang Panlalawigan ay ang PANLALAWIGANG PLANO AT PAGPAPAUNLAD. Naaprubahan kamakailan lamang
ang Provincial Physical Framework Plan (Land Use Plan) 1993 to 2002 at
ang Provincial Annual Investment Plan 2000 -- ang Land Use Plan ay inaasahang
maglilinaw sa ilang lumang probisyon at umiiral na lumang paniniwala ukol
sa obligasyon at hangganan ng responsibilidad at kapangyarihan ng Panlalawigang
Panlalawigan, partikular sa wastong gamit ng lupang sakop ng Lalawigan
sa loob ng 10 taon. Kasama rin sa planong ito ang mga programa at balangkas
pang ekonomiya, pangkabuhayan, at agro-industriyal, bukod sa tinutukoy
rin dito ang mga protected areas/forests ng Batangas. Ang AIP naman
ang kumakatawan sa mga proyekto para implementasyon sa taong 2000 na dumaan
sa mga local development council para sa kanilang masusing pag-aaral. Naging
epektibo ang sinubukang truck ban scheme ng Lalawigan na ibinatay sa resolusyong
pinagtibay ng Provincial Peace and Order Council na naglalayong mapaluwag
ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Batangas City, Bauan,
at San Pascual.
KABATAAN. Matibay ang paninindigan ng Pamahalaang Panlalawigan
sa kanilang pagsasaalang-alang at pagtataas ng kapakanan ng kabataang Batangueño.
Seryoso ang programa laban sa droga na ipinakita ng Administrasyong Mandanas
noong Nobyembre 1998, kung saan sumailalim ang mga opisyal at kawani ng
Provincial Government sa isang official drug testing na pinangasiwaan
ng DILG. (Lumabas namang negatibo sa paggamit ng bawal na gamot ang lahat
na resulta.) Naririnig sa lokal na radyo at napapanood sa mga sinehan ang
30-second
anti drug campaign film clip ng Batangas Blades, isang kontra drogang
proyekto ni Gob. Mandanas at ng Provincial Information Office. Kasama si
Sen. Franklin Drilon, inilunsad ni Gob. Mandanas ang panibagong kampanya
laban sa droga sa Lalawigan, ang "Dine sa Batangas, Ligtas sa Inaabuso,
Bawal na Droga sa Taong 2000," kung saan nangako si Drilon ng AGRIKULTURA. Bukod sa mga nasimulan nang Panlalawigang programa
tulad ng pagsasagawa ng serye ng techno demo at pamamahagi ng mga
seed
at seedling sa kanayunan na ipinagpapatuloy ng Office of the Provincial
Agriculturist, may mga bago nang programa at proyekto hatid ng pamahalaang
nasyunal sa pamamagitan ng Department of Agriculture na mapapakinabangan
ng magsasakang Batangueño.
Alinsunod sa layunin ng Pamahalaang Panlalalwigan na mabigyan ng mataas
na kasanayan at makabagong kaalaman ang mga magsasaka ukol sa sistemang
pansakahan, 150 magsasaka ang nag-aral sa apat na buwang pagsasanay sa
ilalim ng Batangas Rice Farmers Field School na pinangasiwaan ng Opa. Bunga
ng mga naunang mga programang pansakahan ng Administrasyong Mandanas, napagkalooban
ang Lalawigan ng Batangas ng Ang kaunlaran upang masabing tunay ay kailangang permanente, maipagpapatuloy,
at hindi paudlot-udlot, at higit sa lahat, matatamasa at mararamdaman ng
higit na nakararami.
Ayon nga sa pananaw ni Gob. Hermilando Ingco Mandanas, isang katibayan
ng uri ng kanyang paglilingkod bayan, "Kailangan na ang kaunlarang mararanasan
natin sa ngayon ay magiging tuloy-tuloy, hindi para sa kasalukuyan lamang,
kundi para sa kapakinabangan ng susunod pang mga henerasyon. Pag-ibayuhin
natin ang paglilingkod upang patuloy tayong manguna at maging halimbawa...
upang maipagmalaki natin na tayo ay hindi lamang mga Pilipino, kundi mga
Pilipinong Batangueño -- maka-Diyos, makabayan, at makatao."
Eight bridges to cross
P5,959,268.
P5,372,686.
P6,274,003.
P3,608,251.
P4,083,335.
P1,684,889;
P4,076,252; at
P1,684,943.
P149,986,
at ang Bailey bridge na ipinalit sa dating timber bridge ng Cahigam sa
Rosario, P317,992. Ang pinagsama namang nakumpletong mga
proyekto ng PEO at PSB sa kasalukuyan ay umabot sa halangang P4,891,447.1
na binubuo ng konstruksyon o dagdag na gusali, pagkumpuni, at pagpapabuti
ng nakatayo nang istrakturang pampaaralan.
P34m halaga ng mga
pambayang proyekto, kung saan tumanggap ang bawat bayan (32 lahat) at ang
dalawang lunsod ng Batangas ng tigi-isang milyong halaga ng proyekto, na
pinili ng kani-kanilang mga punumbayan sa Annual Investment Plan, mula
taong 1993 hanggang 1998. Ito ay malinaw na napagkasunduan ng Gobernador
at ng 34 na meyor, kasama ang bumubuo ng Provincial Development Council,
sa isang pinagsamang konsultasyon at pagpupulong.
P1m mula sa D.A. para sa
proyektong "Binhian sa Lalawigan" na inaasahang makakatulong sa may 500
magsasaka. Isa pang suporta mula sa D.A. alinsunod sa programang Agrikulturang
MakaMasa ni Pangulong Estrada ay ang mga kagamitang pansakahan na nagkakahalaga
ng may P1.3m. Ang mga kagamitang ito ay makukuha at magagamit
ng mga mapipiling magsasaka sa paraang pautang. Ang mga kagamitang pansakahan
ay tractor, mechanical dryer, at rice thresher.